Isinagawa ngayong Setyembre 14 ang ceremonial signing ng Tripartite Usufruct Agreement para sa pagtatatag ng Rice at Corn Processing Centers sa Isabela State University sa Sinabbaran, Echague, Isabela.
Nagkakahalaga ng mahigit ₱615 milyon ang dalawang pasilidad na itatayo sa ilalim ng Department of Agriculture at LGU Echague, na layong mapahusay ang pagproseso ng ani at mapalakas ang kita at competitiveness ng mga magsasaka.
Inaasahang makikinabang dito ang mahigit 900 rice farmers at 6,720 corn farmers.
Pinangunahan ang seremonya nina DA RFO 2 Regional Executive Director Rose Mary Aquino, Echague Mayor Faustino Dy V, ISU President Dr. Boyet Batang at Vice Mayor Allan Tupong, kasama ang iba pang lokal na opisyal.
Layunin ng proyekto na makatulong sa pagsusulong ng mas makabago, matatag at inklusibong sektor ng agrikultura sa Isabela.











