--Ads--

Tinatayang 85 porsyento ng public transport sa buong bansa ang nakiisa sa isinagawang tigil-pasada nitong Setyembre 13.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mar Balbuena, President ng Manibela, naging matagumpay umano ang kanilang transport strike dahil maraming tsuper ang nakiisa, dahilan upang mahirapan ang mga commuter na makahanap ng masasakyan.

Pangunahing panawagan ng grupo ang pagpapatupad ng fare increase na inaprubahan noong Marso, na ayon kay Valbuena ay makatutulong upang madagdagan ang kita ng mga tsuper.

Iginiit din niya na isa sa mga dahilan ng kanilang pagkilos ang sunod-sunod na oil price hike na dagdag pasanin sa mga tsuper, partikular sa mga jeepney driver.

--Ads--

Samantala, wala pang pinal na desisyon ang grupo kung kailan muling magsasagawa ng tigil-pasada, bagama’t hindi isinara ni Valbuena ang posibilidad ng panibagong pagkilos.