--Ads--
Nagpasok ng plea na not guilty si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa P7.4 bilyong plunder case na isinampa laban sa kanya at tatlo pang akusado kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Sa pamamagitan ng videoconference ginawa ni Romualdez ang kanyang arraignment mula sa kanyang detention facility sa New Quezon City.
Bago ang arraignment, sinabi ni Sandiganbayan Third Division Chairperson Associate Justice Karl Miranda na may iba pang Persons Deprived of Liberty o PDL na mas malala ang kondisyon kumpara kay Romualdez, na dati nang na-confine dahil sa mga karamdaman sa puso at utak.
Nananatili si Romualdez sa infirmary ng New Quezon City Jail.
--Ads--










