--Ads--

Nanawagan ang Senado kay Pangulong Bongbong Marcos na ikunsidera ang rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na ipatupad ang pagsuspindi sa excise tax sa langis sa ilalim ng Republic Act 12316.

Matatandaan na Isa si Senator Lito Lapid sa co-author ng batas kung saan binibigyan ang Pangulo ng kapangyarihan na suspindihin o babaan ang fuel excise tax kapag umabot na sa 80 dollars kada bariles sa loob ng isang buwan ang average na presyo ng Dubai crude oil.

Batay sa pinakahuling datos ng DOE, pumalo na sa average na $99.41 kada bariles ang presyo nito mula noong Agosto 13 hanggang nitong Setyembre 11, 2026.

Sinabi ni Lapid na napapanahon na ang pagsuspindi sa excise tax sa mga produktong petrolyo dahil malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan ng mga kababayan.

--Ads--

Nababahala ang mga mambabatas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay labis na apektado ang kabuhayan ng mga manggagawa sa industriya ng turismo at mga magsasaka ng gulay sa Baguio City at sa buong bansa.