--Ads--
Pinakamalaki sa mga long term securities sa Asia ang itinaas ng yield spread ng Philippine government bonds laban sa US Treasuries ngayong linggo.
Ayon sa MUFG Bank, lumawak ng 26 basis points ang spread ng 10-year Philippine bonds sa 272 basis points mula 246 basis points noong nakaraang linggo.
Umabot naman sa 7.66 percent ang local 10-year benchmark yield, habang bumaba sa 4.94 percent ang US 10-year Treasury yield.
Patuloy itong inuugnay sa monetary policy tightening ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na nagtaas ng key policy rate sa 5 percent dahil sa inflation risks.
--Ads--
Ayon sa MUFG, posibleng umabot sa 5.25 percent ang benchmark rate sa pagtatapos ng 2026.










