--Ads--
Nagbabala ang Iran ng mas malalang pagganti sakaling magsagawa ang Estados Unidos ng panibagong pag-atake laban dito.
Ayon sa Iran, nakatanggap sila ng impormasyon na maaaring naghahanda ang US para sa panibagong serye ng airstrikes.
Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na maaaring wasakin ang Iran, hayaang bumagsak ang ekonomiya nito, o makipagkasundo.
Nanawagan naman ang Qatar na iwasan ang paglala ng tensyon sa Gulf, habang apat na katao ang naiulat na nasawi sa bakbakan sa al-Jawf, Yemen.
--Ads--











