--Ads--
Muling tumaas ngayong Setyembre 22 ang presyo ng produktong petrolyo matapos ipatupad ang panibagong taas-presyo bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa DOE, P8.82 kada litro ang dagdag sa diesel, P4.88 sa gasolina at P6.47 sa kerosene.
Sa Shell Pilipinas, P7.80 kada litro ang itinaas sa diesel, P4.80 sa gasolina at P6.40 sa kerosene.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nanatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.
--Ads--
Gayunman, tiniyak ni Garin na sapat ang suplay ng langis sa bansa na nasa 50 hanggang 54 na araw.










