--Ads--

Ipinatawag ng National Bureau of Investigation o NBI ang regional director ng Department of Public Works and Highways sa Davao kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa mga flood control project sa lungsod.

Sa pamamagitan ng subpoena na inilabas noong Setyembre 17 at inihatid nitong Lunes, inatasan si DPWH Region XI Director Juby Blancaver Cordon na humarap sa NBI at magsumite ng mga dokumentong may kaugnayan sa imbestigasyon.

Inaatasan siyang humarap sa NBI alas-1 ng hapon sa Setyembre 24 at isumite ang mga rekord ng 51 flood control projects.

Kasunod ito ng pahayag ni NBI Director Melvin Matibag na nakakuha ang ahensya ng mga dokumento kaugnay ng halos 50 proyekto sa Davao City na sinisilip dahil sa posibleng iregularidad, kabilang ang umano’y ghost at substandard projects.

--Ads--

Nauna ring sinabi ni Matibag na may P1.9 bilyong flood control projects sa distrito ni Davao City Rep. Paolo Duterte na napunta sa isang contractor na ayon sa kanya ay malapit sa pamilya Duterte.

Itinanggi naman ni Duterte ang mga pahayag ni Matibag kaugnay sa mga proyekto.