--Ads--
Patuloy ang pagbaba ng local stock market matapos malugi sa ikaapat na sunod na araw, kung saan bumagsak sa ilalim ng 5,800 level ang Philippine Stock Exchange index o PSEi.
Bumaba ng 0.33% o 19.42 points ang PSEi at nagsara sa 5,795.14, habang bumaba rin ng 0.21% ang All Shares index sa 3,246.44.
Ayon sa Regina Capital, nanatili ang selling pressure dahil sa kawalan ng katiyakan dulot ng tensyon ng Estados Unidos at Iran at paglaki ng trade deficit ng bansa.
Samantala, sinabi ng Philstocks Financial na patuloy na naaapektuhan ang market sentiment ng pangamba sa inflation at paglago ng ekonomiya.
--Ads--
Karamihan ng sektor ay nagtapos sa pula, maliban sa property sector na tumaas ng 0.45%.









