--Ads--

Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang ikalawang gintong medalya sa 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan matapos manguna sa men’s vault event.

Nagtala si Yulo ng average score na 14.599 mula sa kanyang dalawang vault, kung saan nakakuha siya ng 14.733 sa unang vault at 14.466 sa ikalawa.

Pumangalawa si Mahdi Olfati ng Iran habang bronze medal naman ang naiuwi ni Ka Ki Ng ng Hong Kong, China.

Samantala pasok na rin sa championship match ng women’s 3×3 basketball ang Team Pilipinas matapos talunin ang Thailand, 13-8, sa semifinals ng 2026 Aichi-Nagoya Asian Games.

--Ads--

Unang pagkakataon itong nakapagpadala ang Pilipinas ng women’s 3×3 basketball team sa Asian Games at ngayon ay may pagkakataong masungkit ang gintong medalya.

Gaganapin ang championship match kontra host country Japan ngayong alas-7 ng gabi, o alas-6 ng gabi sa oras ng Pilipinas.

Nauna namang umabante ang Japan matapos dominahin ang South Korea, 19-8, sa kanilang semifinal match.