--Ads--
Inaasahang makakalaya na sa susunod na linggo ang dating modelo na si Deniece Cornejo.
Ayon sa ulat ito ay matapos ipag-utos ng Court of Appeals ang pagpapalaya kay Cornejo matapos ibaba ang kanyang sentensiya kaugnay ng serious illegal detention case na inihain ng aktor na si Vhong Navarro.
Itinuturing na umanong time served ang halos dalawang taong pagkakakulong kay Cornejo matapos siyang mahatulan ng Regional Trial Court, ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo.
Tumutulong naman umano ang Public Attorney’s Office at iba pang abogado sa pagproseso ng mga dokumento para sa kanyang paglaya.
--Ads--











