--Ads--
Nagsagawa ng emergency meeting ang mga opisyal ng barangay nitong Setyembre 29, 2026 upang agad na matugunan ang mga banta ng African Swine Fever o ASF sa Echague, Isabela.
Tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang sitwasyon ng ASF, mga hakbang para mapalakas ang biosecurity at pagpapaigting ng pagbabantay sa mga checkpoint para sa pagpasok at paglabas ng mga baboy at karneng-baboy.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng agarang pag-uulat sa mga alagang baboy na nagkakasakit o namamatay upang maagapan ang posibleng pagkalat ng virus.
Layunin ng mga hakbang na maprotektahan ang mga alagang baboy at kabuhayan ng mga hog raiser sa bawat barangay laban sa epekto ng ASF.
--Ads--











