--Ads--

Naghain na ng manifestation ang House prosecution panel upang hindi na ituloy ang bribery article sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House prosecutor Jonathan Keith Flores, hindi na kailangan ang pag-apruba ng Senate Impeachment Court at sapat nang ipaalam sa mga senador na hindi na sila maghahain ng ebidensya kaugnay ng naturang article.

Giit ni Flores, sapat na ang mga ebidensyang naiharap nila sa tatlong articles, at ang pagpapatagal pa sa paglilitis ay maaaring sumubok sa pasensya ng publiko at ng mga senador na nagsisilbing hukom.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito, hindi na maghahain ang prosecution ng karagdagang ebidensya para sa bribery article. Gayunman, kailangang malinaw ang magiging epekto nito sa kabuuang proseso ng impeachment trial batay sa mga susunod na hakbang ng Senate Impeachment Court.

--Ads--