--Ads--

Bumagsak sa panibagong record low ang piso matapos magsara sa ₱62.90 kada dolyar nitong Huwebes, bumaba ng 15 centavos mula sa dating ₱62.75.

Ayon sa mga ekonomista, kabilang sa mga dahilan ang patuloy na paglakas ng dolyar, mataas na interest rate sa Estados Unidos, at pagtaas ng presyo ng langis sa mahigit 100 dollars kada bariles.

Nakaapekto rin sa merkado ang pagtaas ng inflation sa Pilipinas sa 7.2 porsiyento noong Setyembre, na nagpalakas sa inaasahang posibleng paghihigpit ng monetary policy ng Bangko Sentral ng Pilipinas.