--Ads--

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng Muñoz West Public Cemetery sa Barangay Muñoz West, Roxas, Isabela, nitong Oktubre 18.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Marko,” 35-anyos na truck driver, at “Jay,” 45-anyos na tricycle driver, na kapwa residente ng nasabing lugar.

Nasamsam sa operasyon ng Roxas Municipal Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2, ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.4 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱2,720. Isa sa mga ito ang buy-bust item, habang ang dalawa ay narekober mula sa mga suspek.

Narekober din ang buy-bust money, mga cellphone, wallet, identification card, pera, iba pang personal na gamit, at isang pulang Honda TMX na may dilaw na sidecar.

--Ads--

Dinala ang dalawang suspek sa Roxas Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso. Nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.