--Ads--

Nagtala ng Guinness World Record ang isang kabayong nagngangalang Jenny mula sa Ohio, United States matapos masukat sa 13 talampakan at 6 na pulgada ang haba ng buntot nito, na tinalo ang dating rekord na 12 talampakan at 6 na pulgada na naitala noong 2007.

Si Jenny ay isang American Saddlebred, isang lahi ng kabayo na kilala sa mahaba at makintab na buntot. Regalo ito kay Mackenzie Lowe noong ika-13 kaarawan niya noong 2019.

Ayon kay Lowe, noong mas bata pa si Jenny ay natanggal umano nito ang sariling buntot, at nang mapunta ito sa kaniya ay umaabot lamang sa lupa ang haba nito.

Sa halip na gupitan, hinayaan nilang humaba ang buntot ni Jenny dahil isa itong katangiang pinahahalagahan sa naturang lahi, lalo na sa mga kompetisyon. Kalaunan, nagpasya silang sukatin ito at subukang makamit ang world record.

--Ads--

Matapos makumpirma ang bagong rekord, ginupitan na rin ang buntot ni Jenny. Ayon kay Lowe, inaasahan niyang magiging mas magaan na para sa kabayo ang pangangalaga sa buntot nito dahil hindi na ito gaanong kahaba.