--Ads--
Nanatili ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Interior Secretary Jonvic Remulla sa kabila ng hindi pa naaaresto ang mga puganteng sina Zaldy Co at Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala silang natatanggap na indikasyong binawi na ng pangulo ang tiwala nito kay Remulla.
Kasunod ito ng pahayag ni Remulla na nakalabas na ng bansa si Ang, na pinaghahanap kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Hindi pa rin naaaresto si dating kongresista Co, habang patuloy namang pinaghahanap si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na ayon kay Remulla ay natunton sa Mindanao.
--Ads--











