Posible pang magamit sa 2027 ang mga pondong hindi nagalaw sa ilalim ng unprogrammed appropriations ng 2026 budget.
Ayon kay Solicitor General Darlene Berberabe, maaaring dalhin sa susunod na taon ang natitirang pondo, ngunit nakadepende ito sa magiging pasya ng korte sa mosyong ihahain ng pamahalaan.
Kabilang sa mga programang may nakalaang unprogrammed appropriations ang mga proyektong public-private partnership, mga proyektong pinopondohan katuwang ang ibang bansa, at ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Umaasa ang OSG na maipapaliwanag sa mga mahistrado ang posibleng epekto ng kanilang desisyon sa mga programa ng pamahalaan.
Una nang pinayuhan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang Malacañang at Department of Budget and Management (DBM) na huwag munang gamitin ang mga pondong ito habang wala pang pinal na desisyon ang korte.











