--Ads--

Naitala ng City Assessor’s Office ng Cauayan City ang pagtaas sa bilang ng taxable real property units sa lungsod sa unang semestre ng 2026, batay sa pinakahuling datos ng tanggapan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Romeo Matutino ng City Assessor’s Office (CGDH 1), umabot sa 70,577 ang taxable real property units sa unang semestre ng kasalukuyang taon, mula sa 70,320 na naitala noong 2025.

Katumbas ito ng karagdagang 257 taxable real property units sa nasabing panahon.

Bukod dito, naitala rin ang pagtaas sa market value ng mga taxable real properties mula ₱58.27 milyon noong 2025 tungo sa ₱58.37 milyon sa unang semestre ng 2026, o karagdagang ₱100,000.

--Ads--

Sa kabuuan, umabot naman sa 75,364 ang pinagsamang bilang ng taxable at non-taxable real property units na naitala ng tanggapan sa unang semestre ng 2026.

Bahagi ang mga datos ng appraisal and assessment operations ng City Assessor’s Office, na nangangasiwa sa pagtatala at pagtatasa ng mga real property sa lungsod.

Mahalaga ang mga gawaing ito sa pagpapanatili ng maayos na talaan ng mga ari-arian at sa pagbibigay ng datos na ginagamit sa pangangasiwa ng real property taxation.

Gayunman, ang pagtaas sa market value ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng katumbas na pagtaas sa aktuwal na koleksiyon ng buwis.