--Ads--

Magkaibang usapin umano ang pagtugon sa epekto ng El Niño at ang paghuli sa mga wanted sa batas.

Ito ang naging reaksiyon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa mungkahing gamitin na lamang sa pagtugon sa El Niño ang ₱50 milyong pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Castro, maituturing na fallacy o baluktot na pangangatwiran ang pag-uugnay sa dalawang usapin dahil magkaiba ang kanilang layunin.

Paliwanag niya, may kanya-kanyang nakalaang pondo ang mga ahensiya ng pamahalaan para sa partikular na mga programa at operasyon kaya hindi basta maaaring ilipat ang pondo sa ibang paggagamitan.

--Ads--

Binigyang-diin din ni Castro na hindi dapat basta-basta ubusin ang pondo sa loob lamang ng ilang araw, kundi kailangang planuhin ang paggamit nito, kabilang ang mga pondong inilaan para sa ganitong uri ng operasyon.