--Ads--

Nagbukas ng mga hotline ang Philippine National Police (PNP) para tumanggap ng impormasyon na makatutulong sa pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na pinaghahanap ng International Criminal Court (ICC).

May nakalaang ₱50 milyong pabuya para sa impormasyong hahantong sa kaniyang pagkakaaresto.

Maaaring tumawag o mag-text sa mga sumusunod na numero:
– Globe: 0927-307-3501, 0995-512-2729, 0945-611-5926
– Smart: 0999-361-9878, 0960-692-3025
– Emergency hotline: 911
Binigyan naman ng PNP si Dela Rosa hanggang Biyernes, Oktubre 30, upang kusang sumuko.

Nahaharap ang senador sa mga alegasyong crimes against humanity kaugnay ng kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

--Ads--