--Ads--

Nagsimula nang magsibalik sa Metro Manila nitong Lunes ang mga biyaherong umuwi sa kani-kanilang probinsiya upang dalawin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.

Kabilang sa mga dumating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX ang mga pasaherong nagmula sa Bicol, Cavite, Mindoro at mga lalawigan sa Hilagang Luzon.

Batay sa datos ng PITX, umabot sa tinatayang 92,231 ang passenger foot traffic sa terminal hanggang alas-1 ng hapon nitong Nobyembre 1. Inaasahan pang dadami ang mga pasaherong darating habang nagbabalik sa Metro Manila matapos ang Undas break.

Nakaantabay naman ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard at mga medical personnel ng terminal upang umalalay at magbigay ng tulong sa mga biyahero.

--Ads--