--Ads--

Pinatawan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng multang P555.75 milyon ang motorcycle taxi platform na Move It dahil sa pagpapatakbo nito ng mas maraming rider-partners kaysa sa pinahihintulutang bilang.

Ayon sa LTFRB, limitado lamang sa 17,746 riders ang awtorisadong bilang ng Move It sa Metro Manila, Cebu City at Cagayan de Oro. Gayunman, umabot umano sa 55,575 ang mga rider-partners nito na walang kaukulang awtorisasyon.

Ipinataw ng ahensya ang multang P10,000 sa bawat unauthorized rider-partner.

Gayunman, nilinaw ng LTFRB na hindi pa pinal ang naturang parusa dahil naghain na ng motion for reconsideration ang Move It.

--Ads--

Batay sa desisyon ng ahensya, umabot sa 73,321 ang kabuuang active rider-partners ng kumpanya noong Mayo 2026, o 55,575 na higit sa itinakdang limitasyon. Hindi rin tinanggap ng LTFRB ang paliwanag ng Move It na dapat lamang bilangin ang mga rider na sabay-sabay na online at naghahatid ng pasahero.

Nagbabala rin ang LTFRB na maaaring suspendihin ang awtoridad ng Move It na lumahok sa Motorcycle Taxi Pilot Program o bawiin ang accreditation nito kapag nabigong bayaran ang multa sa sandaling maging pinal ang desisyon.