--Ads--

Human error o pagkakamali ng mga motorista ang isa sa mga pangunahing salik sa mga naitatalang road crash sa Santiago City, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao Jr., Acting Chief ng Traffic Enforcement Unit ng Santiago City Police Office, sinabi niyang patuloy nilang sinusuri ang mga insidente upang matukoy kung may kakulangan sa road engineering.

Ayon kay PMaj. Aggabao, mahalagang matukoy ang sanhi ng bawat aksidente upang maipatupad ang angkop na intervention sa ilalim ng 3E approach na Enforcement, Engineering at Education.

Kabilang dito ang road safety education para sa mga motoristang nagkakamali, rekomendasyon sa road engineering at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas-trapiko, kabilang ang Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

--Ads--