--Ads--

Nagpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng ilang uri ng abono sa Cauayan City, Isabela, na posibleng magdagdag sa gastusin ng mga magsasaka.

Batay sa talaan ng presyo ng isang agricultural supply store, nasa ₱1,280 hanggang ₱2,300 ang halaga ng iba’t ibang uri ng abono, depende sa klase at komposisyon nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Aira Kate Singsong, sales clerk ng isang agricultural supply store, sinabi nitong nadagdagan ng ₱20 hanggang ₱50 ang presyo ng ilang uri ng abono.

Aniya, nagsimulang maramdaman ang pagtaas noong ikatlo hanggang ikaapat na linggo ng Oktubre, na iniuugnay ng kanilang mga supplier sa paggalaw ng presyo ng petrolyo at gastusin sa pagdadala ng mga produkto mula sa ibang bansa.

--Ads--

Dahil dito, hindi inaalis ang posibilidad ng panibagong pagtaas ng presyo, na maaaring magdagdag sa puhunan ng mga magsasaka dahil kabilang ang abono sa pangunahing gastusin sa pagtatanim.