--Ads--

Kinumpirma ng isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pawang insertions ang 444 proyekto na nagkakahalaga ng ₱27.43 billion na iniugnay kay dating House Speaker Martin Romualdez sa 2025 General Appropriations Act.

Ayon kay DPWH Programming Division Chief Peter Paul Cortes, walang isinagawang vetting o pagsusuri sa mga proyekto at wala ring supporting prior study na dumaan sa kanilang tanggapan.

Sa pagdinig, tinanong ni Sandiganbayan Associate Justice Ronald Moreno kung posibleng isinama ang mga proyekto sa pamamagitan ng inisyatiba ng noo’y chairman ng House Appropriations Committee, na sinang-ayunan ni Cortes.

Kinilala naman ni Cortes si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co bilang namuno sa komite noong panahong iyon.

--Ads--