--Ads--
Masyado pang maaga para talakayin kung personal na haharap bilang testigo si Vice President Sara Duterte sa kanyang sariling impeachment trial.
Ito ang pahayag ni defense team spokesperson Atty. Michael Poa nitong Lunes, Nobyembre 9, kasabay ng pagsisimula ng presentasyon ng mga ebidensya ng depensa.
Ayon kay Poa, unang araw pa lamang ng kanilang paglalahad ng ebidensya kaya hindi pa napapanahong pag-usapan kung tatayo mismo si Duterte bilang testigo.
Matatandaang nauna nang inihayag ng House prosecution panel ang plano nitong ipatawag ang Bise Presidente upang tumestigo sa paglilitis.
--Ads--
Sa kabila nito, tiniyak ni Poa na nakahanda ang kanilang panig sa presentasyon ng mga ebidensya at sa mga susunod pang yugto ng impeachment trial.











