--Ads--

Namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kabuuang 29 barko ng China sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea mula Nobyembre 3 hanggang 8, 2026.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga namonitor ang mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG).

Sa tala ng AFP, siyam na barko ng China ang namataan sa Ayungin Shoal, walo sa Bajo de Masinloc, anim sa Escoda Shoal at lima sa Pag-asa Islands.

Sa kabuuan, siyam sa mga ito ay barko ng PLAN habang 20 naman ang mula sa CCG.

--Ads--

Patuloy namang iginiit ng China ang pag-aangkin nito sa malaking bahagi ng South China Sea, sa kabila ng 2016 arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas at nagsabing walang legal na batayan sa ilalim ng UNCLOS ang pag-aangkin ng China sa mga karapatang pangkasaysayan sa loob ng nine-dash line.

Hindi naman kinikilala ng Beijing ang naturang desisyon.