--Ads--

Pinag-aaralan ng Malacañang ang pagpapalawig ng 60-araw na suspensyon sa pag-aangkat ng piling produktong baboy, kasunod ng panawagan ng mga lokal na hog raisers na panatilihin ang restriksyon hanggang unang quarter ng 2027 upang maprotektahan ang lokal na industriya.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kailangang tiyakin ng pamahalaan ang sapat na suplay ng baboy sa bansa, mapanatiling kontrolado ang presyo nito at maprotektahan ang mga lokal na mag-aalaga ng baboy, lalo na sa harap ng banta ng matinding El Niño.

Matatandaang nagpatupad ang Department of Agriculture (DA) ng 60-araw na suspensyon sa piling pork imports matapos matukoy na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa lokal na industriya ang pagdami ng inaangkat na karne.

Batay sa datos ng DA, umabot sa halos ₱27.9 bilyon ang pagkalugi ng hog industry sa unang pitong buwan ng 2026 dahil sa pagbaba ng farmgate prices.

--Ads--