Nagbitiw sa kaniyang posisyon bilang bise presidente ng Indonesia si Gibran Rakabuming Raka, anak ng dating pangulong si Joko Widodo, nitong Miyerkules, Nobyembre 11.
Kasunod ito ng mga usapin at kuwestiyon sa kaniyang kwalipikasyon matapos manalo sa naturang posisyon noong 2024 elections.
Batay sa umiiral na election rules, kailangang nasa edad 40 ang isang kandidato upang makatakbo bilang bise presidente. Gayunman, 36-anyos lamang si Gibran nang maghain ito ng kaniyang kandidatura, dahilan upang maging pinakabatang bise presidente sa kasaysayan ng Indonesia.
Naging usapin din ang kaniyang educational background matapos umanong maglabas ng desisyon ang Constitutional Court na hindi nito natugunan ang itinakdang minimum na kwalipikasyon sa edukasyon para sa naturang posisyon.
Isinumite na ni Gibran ang kaniyang pagbibitiw kay President Prabowo Subianto, na naging running mate niya noong 2024 elections. Nagwagi ang kanilang tambalan sa naturang halalan matapos makakuha ng 58.8 porsiyento ng kabuuang boto.











