--Ads--

Ibinunyag ni state witness at dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara na umabot sa P213 milyon ang cash na ipinadala niya sa basement ng Diamond Hotel sa Maynila na umano’y nakalaan kay Senador Jinggoy Estrada.

Inilahad ito ni Alcantara sa kanyang testimonya sa Sandiganbayan nitong Biyernes, Nobyembre 13.

Ayon sa kanya, iniutos umano ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ang paghahatid ng naturang halaga bilang kickback ni Estrada mula sa mga proyekto ng Bulacan 1st at 3rd District Engineering Offices (DEO).

Paliwanag ni Alcantara, bahagi ang P213 milyon ng umano’y 25 porsiyentong “commitment fee” ni Estrada mula sa mga proyektong nagkakahalaga ng P355 milyon sa Bulacan 1st DEO at P500 milyon sa Bulacan 3rd DEO.

--Ads--

Dagdag pa niya, ang kanyang driver na si Edrick San Diego ang naghatid ng pera mula sa kanyang tanggapan patungo sa Diamond Hotel.

TIME CHECK