Nakatakdang magsagawa sina US President Donald Trump, Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin ng kauna-unahang trilateral meeting sa sidelines ng APEC Summit sa China sa susunod na linggo.
Ayon sa White House, kabilang sa pangunahing tatalakayin ng tatlong lider ang pagbabawas ng mga sandatang nukleyar at ang pagpigil sa paglaganap nito.
Naniniwala si Trump na mapanganib ang patuloy na pagdami ng mga nuclear weapons at umaasa itong maaaring maging daan ang pagpupulong sa panibagong kasunduan.
Gayunman, nilinaw ng isang opisyal ng US na hindi inaasahang magkakaroon agad ng kasunduan, kundi magsisilbi lamang itong panimulang pag-uusap sa pagitan ng mga lider.
Tatalakayin din umano ang usapin ng Iran. Samantala, inaasahang sasama sa biyahe ni Trump si Elon Musk, bagama’t hindi ito inaasahang dadalo sa trilateral meeting.
Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Beijing at Moscow hinggil sa kanilang paglahok sa naturang pagpupulong.










