--Ads--
Pasok na sa semifinals ng WTA Finals ang Ukrainian tennis veteran na si Elina Svitolina matapos talunin ang world No. 2 na si Aryna Sabalenka sa kanilang three-set match.
Nakuha ni Svitolina ang panalo sa iskor na 6-3, 3-6, 6-1 matapos makabawi sa third set at magwagi ng anim na sunod-sunod na games kahit naunang mabasag ang kanyang serve.
Ito na ang ikalawang pagkakataon sa walong paghaharap na nagwagi si Svitolina laban sa Belarusian star, na nahirapan dahil sa problema sa kanyang first serve at nakapagtala ng 35 unforced errors.
Makakaharap naman ni Svitolina sa semifinals si Wimbledon champion Linda Noskova habang ipinagpapatuloy ang kanyang kampanya para sa ikalawang WTA Finals title matapos ang una niyang kampeonato noong 2018.
--Ads--











