--Ads--

Muling ilalapit ng Commission on Elections (COMELEC) ang serbisyo ng satellite registration sa mga barangay ng Santiago City upang mapadali ang pagpaparehistro ng mga botante.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer IV ng COMELEC Santiago City, sinabi nitong layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makapagparehistro nang hindi na kailangang bumiyahe patungo sa tanggapan ng ahensya.

Kabilang sa mga serbisyong maaaring i-avail ang first-time registration, transfer of registration, reactivation at correction ng mga detalye sa voter registration record.

Nakatakdang isagawa ang susunod na satellite registration sa Barangay Luna sa Nobyembre 20, 2026, sa kanilang Barangay Hall.

--Ads--

Susundan ito ng Barangay Bannawag Norte sa Nobyembre 21, Barangay Balintocatoc sa Nobyembre 27 at Barangay Sagana sa Nobyembre 28.

Nauna nang isinagawa ang aktibidad sa Barangay Santa Rosa noong Nobyembre 13 at Barangay San Jose noong Nobyembre 14.

Isinasagawa ang programa alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11294 na ipinromulga noong Oktubre 29, 2026.