--Ads--

Patay ang 11 katao habang 16 naman ang nasugatan matapos masunog ang isang commercial building sa Phuket, Thailand, madaling araw nitong Lunes, Nobyembre 16.

Batay sa ulat ng pulisya, nagsimula ang sunog dakong alas-3:17 ng madaling araw sa isang gusaling may negosyo ng pagpapaupa ng mga sasakyan bago kumalat ang apoy sa ilang kalapit na establisimyento.

Umabot ng halos dalawang oras bago tuluyang nakontrol ng mga bumbero ang sunog.

Sa mga nasugatan, 15 ang Thai nationals at isa ang mamamayan ng Myanmar. Wala namang dayuhang turista sa mga nasawi at sugatan.

--Ads--

Matatagpuan ang lugar ng sunog sa isang bayan malapit sa sikat na Patong Beach sa kanlurang bahagi ng Phuket.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

Matatandaang apat na buwan pa lamang ang nakalilipas nang magkaroon din ng malaking sunog sa isang bar sa Bangkok na ikinasawi ng hindi bababa sa 27 katao.