--Ads--
Nag-uwi ng dalawang bronze medal ang Filipino judoka na si Chino Sy matapos ang kanyang kampanya sa 2026 Florida Panamerican Open sa United States at 2026 Montreal Open sa Canada.
Nasungkit ng 25-anyos na atleta ang dalawang medalya sa men’s 100-kilogram division, matapos makipagsabayan sa mga batikang judoka sa North America.
Ayon kay Sy, malaking karanasan ang kanyang pagsabak sa naturang kompetisyon dahil nakaharap niya ang mga beteranong atleta, kabilang ang isang three-time Olympian mula Cuba.
Bukod sa mga medalya, nagsilbi rin itong dagdag na kumpiyansa at inspirasyon para higit pang pagbutihin ang kanyang laro.
--Ads--
Patuloy ngayon ang paghahanda ni Sy sa hangaring makapagkuwalipika sa 2028 Los Angeles Olympics.










