Mahigit 200 raliyista na inaresto sa kilos-protesta sa Muntinlupa City laban sa Pax Silica initiative at pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas ang hindi pa rin napapalaya dahil sumasailalim pa sa inquest proceedings.
Ayon kay Southern Police District Director Police Brigadier General Rodel Pastor, dinala ang mga ito sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan para sa dokumentasyon at pagproseso, habang ang mga menor de edad ay ipauubaya sa DSWD.
Samantala, sinabi ng National Union of People’s Lawyers na halos 24 oras umanong hindi nabigyan ng access sa abogado ang karamihan sa mga inaresto.
Iginiit naman ng NUPL ang karapatan ng mga raliyista sa malayang pagpapahayag at mapayapang pagtitipon.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at raliyista sa Welcome Rotonda sa Quezon City, habang pansamantalang pinigil ng mga awtoridad ang isang bus na lulan ang mga estudyante ng UP Diliman bago pinayagang bumiyahe patungong Laguna.











