--Ads--

Idineklarang nagkasala ng International Court of Justice (ICJ) ang Myanmar sa kasong genocide o sistematikong paglipol sa minority Muslims na Rohingya kaugnay ng malawakang operasyong militar noong 2017.

Sa botong 9-6, nagpasya ang pinakamataas na korte ng United Nations na nilabag ng Myanmar ang Genocide Convention matapos mapatunayan ang malawakang pagpatay, seksuwal na karahasan at iba pang kalupitan laban sa mga Rohingya.

Ayon kay ICJ President Yuji Iwasawa, hindi bababa sa 10,000 Rohingya ang pinatay ng mga puwersang panseguridad ng Myanmar, habang mahigit 730,000 ang napilitang lumikas patungong Bangladesh dahil sa karahasan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinanagot ng ICJ ang isang estado sa krimen ng genocide. Inatasan din ng korte ang Myanmar na magbigay ng reparasyon sa mga biktima.

--Ads--

Samantala, tinawag ng Gambia, na naghain ng kaso laban sa Myanmar, na makasaysayang hakbang ito para sa pagkamit ng hustisya sa pandaigdigang komunidad.