--Ads--

Pinag-aaralan ng Pilipinas ang posibilidad na makipagnegosyo sa kompanyang SpaceX ni Elon Musk sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pasilidad na gagamitin sa pagpapalipad ng mga rocket at spacecraft.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nais ng pamahalaan na mapakinabangan ang estratehikong lokasyon ng bansa sa gitna ng pagpapalawak ng SpaceX ng mga launch site nito sa iba’t ibang panig ng mundo.

Inihayag ito ng Pangulo sa pakikipag-usap sa Philippine media delegation sa Shenzhen, China, matapos ang kaniyang pagdalo sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting.

Gayunman, nilinaw ni Marcos na nagsisimula pa lamang ang pagtalakay sa posibleng kasunduan.

--Ads--

Aniya, hindi layunin ng Pilipinas na maging katulad ng National Aeronautics and Space Administration o NASA o magpadala ng tao sa buwan at Mars, kundi makapasok sa negosyo ng mga pasilidad na ginagamit sa paglulunsad ng mga rocket.

Ipinaliwanag din ng Pangulo na hindi maaaring umasa ang mga kompanya sa iisang lokasyon lamang para sa kanilang mga operasyon.

Itinatag ni Musk noong 2002 ang SpaceX, isang kompanyang gumagawa at