--Ads--

Boluntaryong sumuko sa militar ang isang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at isinuko ang ilang armas at bala sa Nueva Vizcaya.

Nakipag-ugnayan ang dating rebelde sa 86th Infantry Battalion (86IB) ng Philippine Army sa pamamagitan ng Female Civil-Military Operations Team, katuwang ang Intelligence Team.

Narekober mula sa kaniya ang isang improvised 7.62mm M14 rifle, isang caliber .38 revolver, dalawang rifle grenade, isang magazine assembly, 22 bala ng 7.62mm at apat na bala ng caliber .38.

Ayon sa 86IB, naging daan sa pagsuko ang panawagan ng militar sa mga dating rebelde na talikuran ang armadong pakikibaka at magbalik-loob sa pamahalaan.

--Ads--

Patuloy namang hinihikayat ng militar ang iba pang natitirang miyembro ng armadong grupo na sumuko, upang makapagsimulang muli at makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Nueva Vizcaya.