Inihahanda na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng maging epekto ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, partikular sa seguridad at pagpapanatili ng kaayusan.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nitong Lunes, Nobyembre 23, posibleng maging matindi ang emosyon ng magkabilang panig kasunod ng magiging desisyon ng Senado kaya mahalagang maging handa ang kapulisan upang maiwasan ang anumang kaguluhan.
Binigyang-diin ni Remulla na kailangang manatiling neutral ang mga pulis at mamagitan kung kinakailangan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Sinabi rin niyang dapat maging handa ang publiko na tanggapin anuman ang maging hatol ng Senado.Samantala, tiniyak ni Remulla na nagpapatuloy ang operasyon ng mga awtoridad laban sa mga high-profile fugitive, kabilang sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, dating kongresista Zaldy Co at negosyanteng si Atong Ang.











