--Ads--

Nabigo ang mga delegado ng iba’t ibang bansa na makabuo ng pinal na kasunduan sa COP31 matapos hindi tanggapin ng European Union at ilang iba pang bansa ang panukalang resolusyon na iniharap ng Turkey at Australia.

Ayon sa mga tumutol, kulang ang panukala sa mga konkretong hakbang upang labanan ang climate change, partikular ang malinaw na plano sa pagtalikod sa paggamit ng fossil fuels at sapat na pondong susuporta sa mga bansang apektado ng pagbabago ng klima.

Tumagal nang mahigit dalawang linggo ang negosasyon at umabot pa sa dalawang araw na overtime, dahilan upang maitala ito bilang pinakamahabang climate summit sa kasaysayan ng COP.

Ipinahayag naman ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang pagkadismaya sa resulta ng pagpupulong, habang patuloy na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo ang matinding init, sunog sa kagubatan, pagbaha at malalakas na bagyo.Sa kabila nito, mananatiling umiiral ang mga naunang pandaigdigang kasunduan hinggil sa pagtugon sa climate change

--Ads--