--Ads--

Nasawi ang hindi bababa sa 31 katao habang 15 iba pa ang nasugatan matapos sumiklab ang malaking sunog nang tumaob ang isang fuel truck sa isang mataong highway sa Cairo, Egypt.

Batay sa ulat ng Health Ministry, agad na nagpadala ng 39 ambulansya sa lugar upang iligtas at dalhin sa mga ospital ang mga biktima, kabilang ang apat na kritikal ang kondisyon.

Naganap ang insidente sa Cairo Ring Road kung saan nagliyab ang tumagilid na fuel truck at nadamay sa apoy ang ilang kalapit na sasakyan.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang tanggapan ng public prosecutor upang matukoy ang sanhi ng insidente at makilala ang mga biktimang labis na nasunog sa pamamagitan ng DNA testing.

--Ads--

Iniutos naman ni Prime Minister Mostafa Madbouly ang masusing pagsisiyasat, partikular sa mga hakbang pangkaligtasan sa transportasyon ng mga produktong petrolyo.