Tiniyak ni Vice Pres. Sara Duterte na anuman ang kahinatnan ay tatanggapin niya ang magiging hatol ng Senate impeachment court sa kinakaharap niyang impeachment trial.
Kaugnay nito, hindi naman nagbigay si VP Sara ng direktang tugon kung dadalo siya sa pagbababa ng Senate impeachment court ng hatol sa kanyang kaso.
Kaugnay nito, ibinunyag ni VP Sara na nais sana niyang katawanin ang kanyang sarili para sa impeachment ngunit hindi siya pinahintulutan ng kanyang mga abogado.
Matatandaang kasalukuyang umaarangkada ang impeachment trial laban kay VP Sara.
Sakaling ma-convict, inaasahang matatanggal sa puwesto si VP Sara at hindi na pahihintulutan pang makapuwesto sa pamahalaan.
Nangangahulugan ito na maaaring hindi na matuloy ang planong pagtakbo ng bise presidente sa 2028 presidential election.











