--Ads--

Pumanaw na sa edad na 38 ang WWE superstar na si Bronson Reed, na mas kilala sa tunay na pangalang Jermaine Haley, dahil sa medical complications.

Kinumpirma ng World Wrestling Entertainment (WWE) ang kaniyang pagpanaw nitong Biyernes, subalit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye hinggil sa sanhi nito.

Ayon sa WWE, maituturing na malaking personalidad si Reed sa wrestling industry, bukod pa sa pagiging mabuting tao, mapagmahal na padre de pamilya at minamahal na kasamahan.

Naganap ang kaniyang pagpanaw matapos magtamo ng injury sa WWE Crown Jewel sa Saudi Arabia nitong unang bahagi ng buwan.

--Ads--

Batay sa mga ulat, nagtamo umano siya ng ilang bali sa tadyang at pinsala sa bato kaya nanatili sa Saudi Arabia para sa karagdagang gamutan.

Dalawang beses naging bahagi ng WWE si Reed, una mula 2019 hanggang 2021 at muling nagbalik noong 2022 hanggang sa kaniyang pagpanaw.