--Ads--

Iginiit ng Chinese Embassy sa Maynila na bukas ang Beijing sa pakikipag-usap sa Pilipinas upang maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan sa West Philippine Sea, basta’t hindi umano makokompromiso ang kanilang pag-aangkin sa teritoryo.

Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ng embahada na nakahanda ang China na makipagdayalogo at konsultasyon sa Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at sa rehiyon.

Gayunman, binigyang-diin nitong hindi dapat maapektuhan ang soberanya at karapatang pandagat ng China sa pinagtatalunang karagatan.

Dagdag pa ng embahada, hindi tutol ang Beijing sa normal na pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ibang bansa, subalit hindi umano ito dapat makasira sa interes ng China at sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

--Ads--