--Ads--

Binatikos ni House Assistant Majority Leader at kinatawan ng Lanao del Sur Zia Alonto Adiong, ang kampo ni VP Sara Duterte sa pagbansag sa mga pagdinig ng Kamara bilang isang “kangaroo court,” kasabay ng paggamit nila sa desisyon ng Supreme Court of the Philippines hinggil sa due process.

Ayon kay Adiong, na kasalukuyang chair ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms, isinasagawa ang mga pagdinig upang sundin ang direktiba ng Korte Suprema na tiyakin ang karapatan ng respondent sa preliminary inquiry bago ito ituloy sa plenaryo.

Aniya, noong naglabas ng desisyon ang Korte Suprema, pinuri nila ito. Ngayon na ipinatutupad na ng Kamara ang kautusan ng korte na magbigay ng due process, tinatawag naman itong “kangaroo court.”

Ipinaliwanag ni Adiong na ang proseso ay alinsunod sa panulat ni Associate Justice Marvic Leonen na nag-aatas sa Kamara na maging maingat sa pagtupad sa Saligang Batas.

--Ads--

Iginiit niya na hindi dapat maging “selective” o mapili ang kampo ni VP Duterte sa pagrespeto sa mandato ng Konstitusyon batay lamang sa kung ano ang pabor sa kanila.