--Ads--

Ibinahagi ng aktor na si Eric Fructuoso ang kanyang weight-loss journey at kung paano siya naudyukang magpapayat matapos umabot sa puntong wala nang magkasya sa kanyang mga damit at maranasan ang matinding epekto ng sobrang timbang.

Ikinuwento ni Fructuoso na naging emosyonal siya tuwing namimili ng damit dahil maging ang pinakamalalaking sukat ay hindi na kasya sa kanya.

Ayon sa aktor, madalas niya umanong kasama ang kanyang asawa sa pamimili at dumating sa puntong naiiyak na siya sa fitting room dahil sa kanyang kalagayan.

Inamin din ni Fructuoso na naging sanhi ng kanyang pagdagdag ng timbang ang kawalan ng ehersisyo at ang tinatawag na stress eating, kung saan nagiging takbuhan niya ang pagkain sa tuwing nakararanas ng stress.

--Ads--

Sinabi niyang umabot sa 220 pounds ang kanyang pinakamabigat na timbang noong 2025, ngunit sa pamamagitan ng disiplina at seryosong pagbabago sa kanyang pamumuhay ay nagawa niyang maibaba ito sa 154 pounds.

Dahil dito, marami ang humanga sa naging transformation ni Fructuoso, na maituturing ngayong inspirasyon para sa mga nagnanais na magkaroon ng mas malusog na pangangatawan.