--Ads--

Naiuwi ni Maris Racal ang kanyang kauna-unahang Best Actress award matapos tanghaling Best Lead Performance of 2025 para sa kanyang pagganap sa pelikulang Sunshine sa ika-6 na Pinoy Rebyu Awards.

Sa Instagram, ibinahagi ni Maris ang kanyang pasasalamat sa natanggap na pagkilala at sinabing mananatiling espesyal ito sa kanya bilang kanyang unang panalo bilang pinakamahusay na aktres.

Ang Sunshine, na idinirehe ni Antoinette Jadaone, ay nagwagi rin ng Crystal Bear for Best Film sa Berlin International Film Festival noong 2025.

Ayon kay Maris, isang taon siyang nagsanay para sa naturang papel at isa ito sa mga proyektong pinakapinagmamalaki niya dahil sa makabuluhang mensahe nito.

--Ads--