--Ads--

Humakot ng limang parangal ang historical film na Quezon sa 9th EDDYs ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Kinilala ang Quezon bilang Best Picture, habang Best Director naman si Jerrold Tarog. Nakuha rin nito ang Best Screenplay para kina Tarog at Rody Vera, Best Production Design para kay Monica Sebial, at Best Actor para sa pangunahing bituin ng pelikula na si Jericho Rosales.

Samantala, itinanghal na Best Actress si Maris Racal para sa kanyang pagganap sa Sunshine. Nagtabla naman sa Best Supporting Actor sina Will Ashley para sa Bar Boys: After School at Rico Blanco para sa Manila’s Finest, habang Best Supporting Actress si Rochelle Pangilinan para sa Child No. 82: Anak Ni Boy Kana.

Idinaos ang awards night nitong Linggo, Hulyo 5, 2026, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts sa Pasay City, na pinangunahan nina Pops Fernandez at Kim Atienza bilang mga host.

--Ads--